Gagawing option pa rin ang home-based learning o distance learning kahit matapos COVID-19 pandemic.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Deped Undersecretary Diosdado San Antonio, nakita nilang may mga batang natututo kahit hindi magpatupad ng face-to-face classes.
Paliwanag ni San Antonio, marami pa rin kasing magulang ang nag-aalangan na papasukin sa paaralan ang kanilang mga anak at naiitindihan nila ang pangambang ito.
Inihayag din ng kalihim na magdadagdag pa ang kagawaran ng mga online learning resources na nasa digital format upang makatulong sa mga estudyante na matuto kahit nasa bahay lang.
Facebook Comments