Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ngayong Agosto ang alok na home care package para sa mga pasyente na mayroong COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, unang sinimulan ang home care package nitong Abril.
Katuwang sa programa ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) maging ang Department of the Interior and Local Government (DILG), upang makipag-ugnayan sa mga barangay health teams.
Nilalaman ng package ang mga karaniwang pangangailangan ng pasyente, tulad ng vitamins at gamot maging kung paano humingi ng medikal na konsultasyon sa mga telemedicine providers.
Facebook Comments