Home isolation, ipinagbabawal na sa QC.

Inihayag ng pamunuan ng Quezon City government na sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Delta variant, minabuti ng pamahalaang lungsod na dalhin sa isolation facility ang lahat ng pasyente na magpopositibo sa COVID-19, may sintomas man o wala.

Ang desisyon na ito ay ginawa ni Mayor Joy Belmonte matapos ipanukala ng City Epidemiology and Surveillance Unit bilang pag-iingat na rin sa Delta variant.

Bukod sa mga may sintomas ng COVID-19, kasama rin dito ang mga nakasalamuha ng nagpositibo o close contact na mayroong sintomas ng virus.


Ayon kay Belmonte layunin nito na protektahan ang bawat pamilya at ang buong komunidad.

Paliwanag ng alkalde na bawat HOPE Facility ay may sariling klinika, botika at supply room, mayroon ding sari-sariling vitamins at hygiene kit na libreng ipamamahagi sa lahat.

Hindi rin aniya mawawalan ng on-duty doctors at healthcare workers ang mga Hope Facility.

Facebook Comments