Home quarantine at swab test makalipas ang ilang araw, inirekomenda para sa mga umuuwing fully vaccinated na Pilipino

Inirekomenda ni Senator Richard Gordon sa Inter-Agency Task Force (IATF) na pauuwin na agad para sa home quarantine ang mga umuuwing overseas Filipino worker (OFW) at mga balikbayan na fully vaccinated o nakadalawang dose na ng COVID-19 vaccine.

Sa liham kay IATF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ay kasama rin sa mungkahi ni Gordon na isailalim sa COVID-19 test ang mga dumarating na OFW o returning overseas Filipinos (ROFs) sa ikalima o ikapitong araw.

Paliwanag ni Gordon, matutuyuan ng pondo ang pamahalaan sa pagsagot sa hotel at quarantine facility para sa dumarating na OFWs habang malaking parusa naman sa mga balikabayan ang sariling gastos nila sa quarantine.


Diin pa ni Gordon, malaking bawas din sa oras para sa pamilya ng OFWs ang 14 na araw na ilalagi nila sa mga quarantine facility.

Sa liham kay Galvez ay nakapaloob din ang suhestyon ni Gordon na hayaan ang mga Local Government Unit na magpatupad ng sarili nilang patakaran para sa mga OFW at ROFs.

Facebook Comments