Hindi inirerekomeda ng Department of Health (DOH) ang home quarantine sa mga pasyenteng mayroong COVID-19 sa gitna ng banta ng Delta variant.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi nila babaguhin ang kasalukuyang quarantine protocols ng mga COVID-19 patient.
Pero mas maganda pa rin aniya ang facility-based quarantine para pigilan ang pagkalat ng virus sa households.
Una nang ipinagbawal ng lungsod ng Manila ang home quarantine kahit sa mga asymptomatic COVID patients dahil sa naitalang dalawang kaso ng Delta variant.
Facebook Comments