‘Home Quarantine’ para sa Balik Probinsya, papayagan na sa Ilocos Norte

120

iFM Laoag – Balak ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc na payagan ang mga uuwi ng probinsya na dadaan na lamang sa ‘Home Quarantine’ embes na dumaan sa pasilidad ng gobierno.

Ito ang kanyang pahayag sa kanyang ‘press briefing’. Ayun kay Manotoc, nakausap niya ang mga doktor at pumayag ang mga ito. Ganun pa man, kailangan nila itong pag-aralang mabuti at ilalabas nila ang mga ‘guidelines’ hinggil dito sa linggong ito.


Dahil dito, ang labing-apat na araw na quarantine ay sa loob na lamang ng pamamahay ngunit kinakailangan paring sundin ang minimum health standards ng Department of Health gaya na lamang ng paggamit ng face mask, face shield at physical distancing. ### – Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments