Home quarantine pass dapat walang bayad – IATF

Kasunod ng mga reklamo ng ilan nating mga kababayan hinggil sa pagpapabayad umano ng kanilang mga Local Government Units (LGUs) sa home quarantine pass.

Muling iginiit ni Cabinet Secretary & Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson Karlo Alexei Nograles na wala itong bayad at libre lamang pinamamahagi ng bawat lgus sa mga kabahayan.

Sa Laging handa public press briefing sinabi ni Nograles na ang Departement of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na ang bahala sa mga mapang abusong LGUs.


Paalala nito mahaharap sa maximum penalty ang sinumang lokal na opisyal na mapapatunayang nananamantala.

Muli ding nagpaalala ang IATF sa mga lgus na sumunod sa direktiba o guidelines na inilabas ng DILG upang organized o iisa lamang at hindi iba iba ang mandatong ipatutupad sa kanilang mga nasasakupan.

Nabatid na ang home quarantine pass ay ibinibgay sa isang myembro ng pamilya sa bawat bahay nang sa ganun ay kanya itong ipapakita sa mga nagbabantay na mga otoridad kapag ito ay lalabas ng bahay para bumili ng pagkain o gamot.

Facebook Comments