Home quarantine sa lungsod ng Maynila, ipinatigil muna

Ipinapatigil muna ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagsasagawa ng home quarantine sa mga nakitaan ng sintomas ng COVID-19.

Ito ay matapos na maitala sa lungsod ang dalawang kaso ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19

Bunsod nito, dadalhin na ang lahat ng mga indibidwal na nagpositibo sa virus sa kabubukas pa lamang na COVID-19 field hospital na matatagpuan sa tapat ng Quirino Grandstand sa Luneta.


Ayon kay Mayor Isko Moreno, kinakailangan nilang gawin ang ganitong uri ng hakbang upang hindi magkaroon ng hawaan ng nasabing variant mula sa pamilya hanggang sa komunindad.

Nanawagan rin ang alkalde sa bawat residente sa lungsod ng Maynila magpabakuna kontra COVID-19 upang kahit papaano ay may panlaban at hindi malagay sa alanganin ang kalusugan.

Pinagdo-doble ingat naman ng Manila Local Government Unit (LGU) ang lahat ng mga residente, mga nagta-trabaho at mga nagtutungo sa lungsod upang hindi mahawaan ng Delta variant ng COVID-19.

Facebook Comments