HOME REMEDIES PARA SA LAGNAT ITINURO NG PROVINCIAL PUBLIC HOSPITAL SA PUBLIKO

Nagbigay ng ilang hakbang ang Provincial Public Hospital sa publiko dahil nauuso ang lagnat sa lalawigan dahil na rin sa epekto ng panahon at nagkakaubusan na paracetamol sa mga botika.

Payo ng ahensya, ang pag-inom ng maraming tubig ay malaking tulong, pagkakaroon ng sapat na tulog at pagkain ng masusustansya at paghigop ng sabaw ang ilan sa mga hakbang na maaaring gawin para malunasan ang lagnat na nararamdaman.

Ipinayo din sa publiko na kapag iinom ng paracetamol ay kailangang hindi lalagpas sa walong tabletas ang iinumin sa loob ng dalawamput apat na oras.

Samantala, kapag nagtagal ang lagnat ng isang linggo ay magpakonsulta na sa pinakamalapit na ospital. | ifmnews

Facebook Comments