HOME VISIT PARA SA MGA INDIGENT DAGUPEÑOS, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang bahagi ng serbisyong pangkalusugan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na Home Visit nakalaan para sa mga indigent Dagupenos, o mga residenteng higit na nangangailangan at salat sa buhay.
Alinsunod dito, mas pinag-iigting pa ng LGU Dagupan ang maipaabot ang mga libreng serbisyong medikal na personal mismong iniabot sa mga kabahayan sa nasabing lungsod.
Inihayag naman ng alkalde ang kanyang buong suporta sa mga mahihirap nitong nasasakupan sa pagbibigay ng serbisyong kanila ring karapat dapat na makuha sa pamamagitan ng libreng check-up at pamamahagi ng mga kinakailangang gamot.

Samantala, layon ng programang Home Visit ng kasalukuyang administrasyon na mapunan ang kapakanang pangkalusugan ng mga Dagupeno na walang kakayahang makapunta sa ospital dahil sa hirap ng buhay. |ifmnews
Facebook Comments