Homecoming activities, inihahanda na ng Office of Civil Defense kasunod ng nalalapit na pagbabalik sa bansa ng Philippine contingent na tumulak pa-Tūrkiye

Magbibigay ng homecoming ang Office of Civil Defense kasunod ng nalalapit na pagbabalik sa bansa ng Philippine contingent na ipinadala sa Tūrkiye.

Ayon kay OCD Spokesperson Asec. Raffy Alejandro, inaasahang darating sa bansa ang Urban Search and Rescue team sa Marso 1 makaraang matapos ang kanilang misyon sa Tūrkiye.

Ani Alejandro, sa kabila ng mga hamon na kinaharap ng Philippine contingent tulad ng malamig na panahon at language barrier ay naging produktibo ang kanilang misyon sa nasabing bansa na kamakailan ay niyanig ng magnitude 7.8 na lindol.


Nabatid na nakapaghalughog ang Philippine contingent ng 38 mga gusali at nakarekober ng apat na mga bangkay.

Higit 600 residente naman ang nabigyan ng atensyong medikal ng Philippine Emergency Medical Team.

Matatandaang Pebrero 8 nang umalis ang Inter-Agency Contingent ng Pilipinas patungong Tūrkiye upang magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Facebook Comments