Tumaas ng halos 22-porsyento ang Homicide cases sa bansa para sa buong buwan ng Abril ngayong taon.
Batay sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng Philippine National Police (PNP), nasa 95 homicide cases ang naitala nitong Abril kumpara sa 78 noong Marso.
Ayon kay DIDM Director Brigadier General Sterling Blanco, ang pagtaas ng homicide cases ay naitala sa Central Luzon, Bicol, Central Visayas at Central Mindanao.
Gayumpaman, bumaba ang murder cases sa 91 nitong Abril kumpara sa 100 cases noong Marso.
Bumaba rin ang insidente ng rape sa 15-porsyento o 75 noong Abril mula sa 88 kaso noong Abril.
Bumaba rin ang theft cases sa 20.11%, o mula sa 179 cases noong Marso sa 143 nitong Abril.
Facebook Comments