Hon. Cynthia Uy Balayan, Bagong SP Member sa Cauayan

Cauayan City, Isabela – Tuluyan na ngang nanumpa bilang bagong miyembro ng Sangguniang Panglungsod si Hon. Cythia Uy Balayan kahapon, Enero 22, 2018.

Sa pagsisimula ng State of the Nation Address 2018 ni Mayor Bernard Faustino Dy kahapon sa F.L. Dy Colliseum, naging tampok sa unang bahagi ng programa ang oath taking ng bagong SP member.

Pinangunahan naman ni Hon. Faustino “Bodjie” Dy III, gobernador ng Isabela, ang nasabing panunumpa.


WATCH HERE: Panoorin Ang Bahagi ng Kanyang Panunumpa.

Matatandaan na nagkaroon ng pwesto sa city council matapos itong mabakante ng namayapang si SP member Alex Uy, na kapatid din ng bagong talagang konsehal.

Facebook Comments