Honasan, umamin na kulang ang kakayahan ng DICT vs Cyber Spying

 

Inamin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) chief Gregorio Honasan na kulang ang kakayahan ng ahensiya laban sa ‘cyber spying’.

Ginawa ni Honasan ang pahayag sa budget hearing ng ahensiya sa Kamara kung saan sinabi niyang masusing pinag-aralan ng kanyang grupo ang panukalang pagtatayo ng mga tower sa military camps ng Dito Telecommunity, ang third telco sa bansa.

Layon ng Dito na magtayo ng cell sites sa military camps, kung saan lumagda ito ng kasunduan sa Armed Forces of the Philippines bilang bahagi ng rollout plan ng kompanya.


Ang nasabing hakbang ay umani ng batikos mula sa iba’t ibang grupo dahil ang minority shareholder ng Dito, ang China Telecom, ay isang Chinese state-owned enterprise.

Ang China ay matagal nang kaalitan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Nagbabala rin ang United States sa banta sa seguridad ng mga Chinese-made equipment at infrastructure.

Bagama’t sinabi ni Honasan na masusi nilang pinag-aralan ang hakbangin ng
Dito sa Camp Aguinaldo, inamin niya na limitado lamang ang kakayahan ng DICT laban sa ‘cyber spying’.

“We are limited to monitoring. In fact, there are entities that we consider friends, but we found out that they are trying to intrude in our network,” wika ni Honasan sa House hearing.

“I really cannot blame them, we have always been reactive toward these things. What we have to do is to be proactive.”

Hindi niya tahasang tinukoy kung sino ang mga “kaibigan” na ito, subalit sinabing ang mga entities ay may kinalaman sa power transmission business.

Facebook Comments