HONEST TRICYCLE DRIVER SA DAGUPAN CITY, NAGSAULI NG NAIWANG SELPON NA MAY LAMANG PERA

Sa kabila ng hirap ng pamamasada, pinatunayan ni Ramil Flores, isang tricycle driver mula Brgy. Amado Tapuac, Dagupan City, na mas mahalaga pa rin ang katapatan kaysa sa materyal na bagay.

Habang pabalik na sa kanyang destinasyon, napansin ni Flores ang naiwang selpon sa kanyang tricycle. Nang suriin niya ito, nadiskubre niyang naglalaman ito ng pera. Sa halip na angkinin, agad siyang nagtungo sa tanggapan ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan upang humingi ng tulong sa pagsasauli ng gamit sa tunay nitong may-ari.

Labis ang pasasalamat ni Shiela Camba, ang may-ari ng selpon, sa kabutihang-loob ni Flores. Pinasalamatan din niya ang POSO Dagupan sa kanilang agarang aksyon na naging daan upang maibalik ang kanyang nawawalang gamit.

Umani ng papuri si Flores sa kanyang katapatan sa kabila ng mga hamon sa pang-araw-araw na pamamasada. Ang kanyang ginawa ay nagsilbing inspirasyon sa marami, na nagpapatunay na sa panahon ng pagsubok, nananaig pa rin ang kabutihan at integridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments