‘Honeymoon stage’ nina PBBM at VP Sara Duterte, tapos na ayon sa isang senador

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na tapos na ang “honeymoon stage” o magandang ugnayan nila Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Pimentel, sa ngayon ay tila si House Speaker Martin Romualdez na ang mukha ng Marcos camp at halatang hindi okay o hindi maayos ang relasyon ng dalawa.

Sa tingin ng senador, kung mayroon mang “honeymoon stage” man sa dalawang kampo ay wala na ito sa ngayon.


Sa kabila ng nanlalamig na relasyon ng kampo ni PBBM at VP Duterte, mataas pa rin naman umano ang trust at approval ratings ng dalawang mataas na lider ng bansa.

Mas dapat aniyang gawin ngayon nina Marcos at Duterte ay aralin ang trend ng mga survey at gawin ang nararapat na political action para dito.

Facebook Comments