Hong Kong employers, lumipat na sa Indonesian household workers dahil sa ban sa flight ng PAL at CebuPac sa Hong Kong

Napipilitan na ang employers sa Hong Kong na kumuha ng Indonesian domestic workers

Kinumpirma ito ng Hong Kong Union of Employment agencies kasunod ng ban sa flight ng Philippine Airlines at Cebu Pacific patungong Hong Kong kung saan maraming Pinoy domestic workers ang nakansela ang flight at hindi agad nakabalik sa trabaho.

Ang ban ng Hong Kong government ay matapos na 4 na Pinoy household service workers na may Delta variant ng COVID-19 ang nakalusot sa flight.


Sa ngayon, tanging Cathay Pacific ang may flight na Manila-Hong Kong-Manila subalit hindi kaya ng Hong Kong employers ang sobrang taas na airfare nito.

Facebook Comments