Hong Kong, hinahagupit ng typhoon Hato – byahe sa mga pantalan at paliparan, kinansela

World – Kanselado na ang biyahe ng eroplano sa lahat ng paliparan sa Hong Kong matapos itaas ang storm warning signal number 10 sa kanilang bansa dahil sa hagupit ni bagyong Isang o na may international name na “Hato”.

Sa ulat, may lakas na 103 kilometro ang hanging dala ng bagyo at may bugso na 86 kilometro kada oras.

Suspendido na rin ang klase sa mga paaralan habang isinara na ang iba pang pamilihan at commercial buildings.


Facebook Comments