Hong Kong Labor Department, nagsalita na kaugnay ng pagsibak sa Filipino domestic workers na na-infect ng COVID-19

Nagsalita na ang Hong Kong Labor Department sa sunod-sunod na pagkakasibak sa mga dayuhang domestic workers na tinamaan ng COVID-19 doon kabilang na ang mga Pilipino.

Ayon sa Hong Kong Labor Deparment, ito ay paglabag sa Disability Discrimination Ordinance (DDO).

Dapat din anilang sundin ng employers ang umiiral na Employment Ordinance (EO) at ang Standard Employment Contract (SEC) sa gitna ng pandemic.


Hindi anila dapat sibakin sa trabaho ang domestic workers na tinamaan ng virus at sa halip ay dapat silang bayaran habang nagpapagaling sa sakit o ang tinatawag na sickness allowance.

Ang sinumang employers sa Hong Kong na lalabag sa naturang labor law ay maaaring mapagmulta ng 100,000 dollars.

Facebook Comments