Aminado si Hong Kong leader Carrie Lam na nagdulot siya ng hindi katanggap-tanggap na kaguluhan sa pamamagitan ng pagsiklab ng political crisis sa kanilang bayan.
Ayon kay Lam – handa siyang magbitiw dahil tila sobrang limitado na ang kanyang mga paraan para resolbahin ang krisis.
Aniya, ang gulo ay isyu na sa national security at soberenya para sa China.
Nabatid nitong Hunyo pa sumiklab ang gulo dahil sa pagtutol ng mga mamamayan ng Hong Kong sa extradition bill na sa ngayon ay isinantabi.
Facebook Comments