Hong Kong Leader John Lee, nagpositibo sa COVID-19 pagkauwi mula sa APEC Summit

Nagpositibo sa COVID-19 si Hong Kong leader John Lee matapos na dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa Bangkok, Thailand noong nakaraang linggo.

Ayon sa Hong Kong government, patuloy na magtatrabaho si Lee kahit sumasailalim siya ngayon sa mandatory isolation.

Kabilang sa mga world leader na nakasalamuha niya sa APEC Summit ay sina Chinese President Xi Jinping, Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo at Vietnamese President Nguyen Phuc.


Una nang nagpositibo sa COVID-19 si Cambodian Prime Minister Hun Sen.

Facebook Comments