Hong Kong leader, nag-sorry dahil sa extradition bill

Humingi ng paumanhin si Hong Kong leader Carrie Lam sa libu-libong black-clad protesters na nananawagan sa kanyang magbitiw na.

Ito ay sa gitna ng kanyang katayuan sa panukalang magpapahintulot na ipadala ang mga tao sa mainland China para doon harapin ang paglilitis.

Ipinatupad ni Lam ang indefinite delay sa extradition bill na nagpasiklab sa pinakamarahas na protesta sa siyudad sa loob ng dekada.


Ayon kay Lam – humihingi siya ng dispensa sa mga mamamayan ng Hong Kong at nangako ng mas sinsero at mapagkumbabang ugali sa pagtanggap ng mga kritisismo at pagbubutihin ang pagseserbisyo sa publiko.

Ang panukalang extradition law ay banta sa rule of law ng Hong Kong at sa international reputation nito bilang Asian Financial Hub.

Facebook Comments