Hong Kong national na inuugnay sa international drug trafficking, naharang ng BI

Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang hinihinalang supplier ng iligal na droga nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon sa BOC, kinilala ang suspek na si Chiang Yui Wai, 62 na taong gulang at isang Hong Kong national.

Naalerto ang mga awtoridad ilang oras bago dumating sa bansa dahil sa Interpol alert sa tulong ng Advanced Passenger Information System.

Itinuturing si Chiang na banta sa seguridad dahil sa pagkakaugnay nito sa international drug trafficking.

Ayon naman kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, malaking tulong ang pinaigting na inter-agency at international cooperation upang agad matugis ang mga maituturing na security threat bago pa man tumuntong sa Pilipinas.

Sa ngayon, inilagay na rin sa blacklist si Chiang at agad na pinababalik sa kaniyang pinanggalingang bansa.

Facebook Comments