Honoraria ng mga guro na magsisilbi sa eleksyon, hindi dapat buwisan

Iginiit ni Senator Nancy Binay sa Bureau of Internal Revenue o BIR na huwag buwisan ang honoraria na matatanggap ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors o BEI sa darating na eleksyon.

 

Pagkontra ito ni Binay sa nakatakda na namang pagtapyas ng BIR ng 5% tax sa honoraria at allowance ng mga BEI.

 

Ikinatwiran ni Binay na bilang pagkilala ng gobyerno sa sakripisyo ng mga guro upang pangalagaan ang ating boto ay dapat buong-buo ng mga itong maiuwi ang kanilang kompensasyon.


 

Matatandaang inihain ni Sen. Binay ang Senate Bill number 1941, na naglalayong gawing tax-free ang kompensasyon ng mga gurong nagsilbi sa eleksyon.

Facebook Comments