Tataasan ng Commission on Elections (Comelec) ang honoraria ng mga guro at support staff na magsisilbi sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, mula 4,000-6,000 pesos, magiging 8,000-10,000 pesos na ang honoraria ng mga ito.
Matatanggap nila ang kanilang honoraria 15 araw pagkatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Una rito, tumanggi ang Comelec na taasan ang honoraria ng mga guro dahil sa kawalan ng sapat na pondo.
Pero ngayon ay pinal nang nagdesisyon ang Komisyon na dagdagan ang honoraria ng mga magsisilbi sa BSKE.
Facebook Comments