Iginiit ni Senator Win Gatchalian sa Commission on Elections o Comelec ang mas maaga at maayos na pamamahagi ng honararia at allowances ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors BEI.
Ayon kay Gatchalian, hindi na dapat maulit ang reklamo ng mga pampublikong guro tuwing Eleksyon kaugnay sa atrasdong pagbigay sa kanilang honararia at travel allowance.
Ipinunto ni Gatchalian na kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 National Budget ay dapat makipag-ugnayan na agad ang Comelec sa Department of Education para sa listahan ng mga guro na gaganap bilang BEIs.
Diin ni Gatchalian, marapat lang ibigay ng maaga ang nakalaang salapi para sa guro upang hindi na madagdagan ang hirap at sakripisyo na kanilang dinaranas sa pagsisilbi nila tuwing ginaganap ang halalan sa bansa.