
Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na symbolic lamang ang pagtawag na “Honorary Social Worker” sa babaeng lumabas sa imburnal.
Kasunod ito ng pagkwestyon ng publiko at nagsasabing unnecessary at unjustified ang paggagawad kay Rose bilang honorary social worker.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian, na walang nangyaring official conferment o paggagawad ng honorary social worker title kay Rose.
Batid naman nila sa DSWD Gatchalian na wala silang kapangyarihan na maggawad ng nasabing titulo, bukod pa sa katotohanang walang skill set si Rose at grade two lang ang natapos.
Ayon kay Gatchalian, nakitaan ng kanilang social worker si Rose ng katangian ng pagiging social worker, tulad ng malasakit, pagiging maawain at maalaga o may puso para sa iba.
Pero hindi naman daw ibig sabihin nito na ginawa na siyang registered social worker.









