Hontiveros, dudang bumaba ang rape cases sa bansa sa panahon ng ECQ

Duda si Senadora Risa Hontiveros na bumaba ang kaso ng rape sa bansa sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Kasunod ito ng inilabas na ulat ng Philippine National Police (PNP) na umaabot sa walo ang average na bilang ng mga taong nabiktima ng rape sa gitna ng ECQ na mas mababa kumpara sa naitalang bilang bago nagpatupad ng lockdown.

Para kay Hontiveros, posibleng hindi talaga bumaba sa halip ay mas tumaas pa ang nabiktima ng rape pero kaunti lang ang nakakapagsumbong sa mga istasyon ng pulis dahil na rin sa ipinatutupad na quarantine restrictions.


Kaugnay nito, hinimok ni Hontiveros ang mga Local Government Unit (LGU) na palakasin ang ugnayan nito sa mga mamamayan.

Hinikayat din niya ang PNP na palakasin ang access ng publiko sa online infrastructure ng pagre-report.

Facebook Comments