Hontiveros, kinasuhan ng cyberlibel ang mga nasa likod ng viral video ni alias ‘Rene’

Sinampahan na ng kaso ni Senator Risa Hontiverosna si Michael Murillo kasama ang 11 na indibidwal na kinabibilangan ng ilang vlogger.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, hindi siya titigil para malaman kung sino ang nasa likod ng malisyosong video nang pagsisinungaling at kung ano ang katotohanan sa inilabas na video ni Michael Maurillo o alyas “Rene” na nagsabing binayaran umano siya para tumestigo laban kay Pastor Apollo Quiboloy at pamilya Duterte.

Nanawagan rin si Hontiveros kay Maurillo kung sakali nga na nasa panganib siya ngayon ay kusa nang humingi ng tulong sa PNP para sa kanyang proteksyon.

Batay kasi sa mga huling statement nito ay kinidnap siya ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at dinala sa Glory Mountain.

Una nang sinabi ni Hontiveros na lalo lamang lumakas ang kanilang finding sa imbestigasyon ng kanyang komite laban kay Pastor Apollo Quiboloy kasunod ng pagkalat ng video.

Facebook Comments