HOR, naghain ng MR sa SC ruling na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment case laban kay VP Sara

Sa pamamagitan ng office of the Solicitor General (SolGen) ay naghain na ang House of Representatives (HoR) ng Motion for Reconsideration (MR) na humihiling na baligtarin ng Supreme court ang desisyon nito na nagdedeklarang labag sa konstitusyon ang ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang hakbang ng Kamara ay hindi pagsuway sa Kataas-taasang Hukuman kundi bahagi ng pagtupad sa kanilang tungkulin alinsunod sa itinatakda ng konstitusyon.

Diin ni Romualdez, layunin ng motion for reconsideration na itama ang factual misreadings at retroactive procedural burdens na ipinataw ng Korte Suprema na nagpapahina sa Saligang-Batas at sa karapatan ng mga mamamayan na humingi ng pananagutan mula sa matataas na opisyal.

Giit pa ni Romualdez, ang usapin ng impeachment ay hindi lamang legal kundi tumatama sa pundasyon ng pananagutan sa isang demokratikong sistema.

Facebook Comments