HORROR TRAIN CRASH | 14 patay, mahigit 200 sugatan matapos bumangga sa truck at masunog ang isang tren sa South Africa

South Africa – Nasa labing-apat na ang patay habang 268 ang sugatan matapos bumangga sa truck at masunog ang isang pampasaherong tren sa South Africa.

Ayon sa Shosholoza Meyl Rail Company, byaheng Johannesburg ang tren na galing sa Port Elizabeth nang bumangga ito sa isang truck sa free state province sa Kroonstad City.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, hindi nakapagpreno ang truck pagdating sa train crossing kaya ito naabutan ng naturang tren.


Sumiklab naman ang apoy mula sa likod ng truck na agad na kumalat kaya nadamay ang tren na tinatayang may sakay na 429 na pasahero.

Sinubukan pa umanong tumakas ng driver ng truck pero agad ding nahuli ng mga pulis.

Facebook Comments