Walang nakikitang hospital crisis ang Malakanyang sa harap ng inaasahang pagsirit ng kaso ng COVID-19 ngayong holiday season.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na wala naman kasi sa alarming stage ang criticial care capacity ng mga ospital sa bansa.
Sa pinakahuling record, sinabi ni Roque na nasa 60% capacity ang mga intensive care unit (ICU) sa mga ospital, ibig sabihin, marami pang espasyo sa mga pasyente.
Gayunpaman, nilinaw ni Roque na hindi naman nila hangad na mangailangan ng espasyo sa mga ospital dahil ang pinakamainam at gustong makamit ng pamahalaan para sa mga Pilipino ay isang Merry Christmas at Happy New Year, at hindi ang manatili ang ating mga kababayan sa ospital.
Kaya ang palagiang payo ng palasyo sa publiko, sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at faceshield, maghugas ng kamay at obserbahan ang social distancing.