HOSPITAL DEVELOPMENT PLAN NG R1MC SA LOOB NG TATLONG TAON, INILATAG NA

Inilatag na ng Region 1 Medical Center ang hospital development nito sa loob ng tatlo hanggang limang taon matapos maisabatas ang Republic Act 12203.

Sa nasabing batas, ang dating 600-bed na kapasidad nito ay tataas sa 1,500 at magdadagdag ng karampatang doktor, nurses at administrative aides at iba pang medical practitioners.

Gayundin, makakakuha na ng budget ang ospital sa national budget sa ilalim ng Department of Health.

Ayon kay R1MC Legal Officer, Atty. Angela Mejia, on-going na ang konstruksyon ng seven-storey building ng tower 1 ng hospital.

Dahil pa sa pagkakapasa ng batas, nagpulong na ang mga opisyal ng ospital at mga stakeholders upang makita ang ukol sa Implementing rules and regulations o IRR.

Dagdag ni Atty. Mejia, hinihintay na lamang nila ang iba pang suhestyon sa IRR para maisapinal at mailathala na ang guidelines para sa implementasyon.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang Republic Act 12203 noong 8 ng Mayo upang mapagtibay ang healthcare system sa buong Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments