Hospital ICU utilization sa Davao City, sumampa na sa 95% – OCTA Research

Patuloy na nakakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa Davao City.

Sa datos ng OCTA Research mula June 13 hanggang 19, ang siyudad ay nakakapagtala ng average 252 cases kada araw.

Mataas ito kumpara sa June 6-12 monitoring period na nasa 177 daily average cases lamang.


Nangunguna pa rin ang Davao sa listahan ng mga local government units (LGUs) sa labas ng Metro Manila na may mataas na COVID-19 infections.

Ang Davao City ay mayroong one-week growth rate na 42% at reproduction number na 1.47 mula June 11-17 period.

Ang hospital bed utilization rate (HBUR) ay ikinokonsiderang “moderate” na nasa 67%, ang intensive care unit utilization (ICUR) ay nasa “critical” na nasa 95%.

Nasa 13.88% ang one-week positivity rate.

Bukod sa Davao City, mataas din ang one-week growth rates ng Valencia City sa Bukidnon (80%), Cebu City (45%), at Polomolok sa South Cotabato (32%).

Ang Iloilo, Koronadal City, at Bacoor City ay umabot na sa 100% ICU utilization.

Ang iba pang lugar na critical ang ICU utilization ay Baguio City, General Santos City, Tagum City, San Pablo City, Laguna, Tuguegarao City, Cotabato City, Tagbilaran City, at Naga City.

Samantala, ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay patuloy na bumababa na nasa 750 new cases, habang ang hospital bed occupancy ay nasa 35% habang ang ICU utilization ay nasa 44%.

Facebook Comments