Hospital occupancy, nananatiling mataas sa NCR at katabing lalawigan – PHAPI

Nananatiling mataas ang hospital occupancy sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na probinsya.

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) President Jose Rene de Grano, bagamat bumaba ang Intensive Care Unit (ICU) occupancy sa mga pribadong ospital, ang hospital bed occupancy ay nananatiling mataas sa NCR, Region 4, Region 3 at Region 2.

Hindi pa rin dapat maging kampante dahil ang mga kalalabas o gumaling mula sa hospitalization ay mayroon agad kapalit.


Ang mga nakapila sa ospital at sa confinement ay nananatiling mataas.

Facebook Comments