Hospital sa Angeles City na ipinasara ng City Mayor dahil sa pagtanggap ng COVID-19 Patient, pinabuksan ng DILG

Pinabuksan muli ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang operasyon ng isang Private hospital sa Angeles City na ipinasara ng alkalde ng lungsod.

Ang pagpasara ay dahil sa pag admit ng hospital sa COVID-19 Patients at iba pang   Persons Under Investigation na nagmula sa Quezon City.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año ang ginawang aksyon ni   Mayor Carmelo Lazatin Jr. Na ipasara ang Philippine Rehabilitation Institute Medical Center (PRIMC) ay taliwas sa kamakailan lamang naipasa na Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.


Paliwanag pa ni Año nasa kritikal na panahon ang bansa na kailangang magbigay ng kagyat na serbisyo na pangkalusugan sa mga PUIs, PUMs o Covid-19 Patients, ito man ay mga pasyente mula sa ibat ibang lugar.

Pinaalalahanan ng Kalihim ang mga Local Chief Executives na huwag lumampas sa kanilang kapangyarihan at ipinupunto na ang pagpigil sa operasyon ng mga hospital Pampubliko man o Pribado ay nagbabanta sa kaligtasan ng hindi lamang sa mga pasyente kundi pati na rin sa pangkalahatang kapakanan ng komunidad.

Malinaw na nakasaad sa Section 6 ng Bayanihan Act ang pagpaparusa sa mga LGU Officials na hindi sumusunod sa mga Polisiya at direktiba ng National Government na nagpapatupad ng Quarantine gayundin sa mga may ari ng ng Private hospitals na tumatanggi na mag operate sa kabila ng kautusan ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments