Hospital ships ng Philippine Coast Guard, lumarga na patungong Mindanao

Manila, Philippines – Tumulak na ang Hospital Ship ng Philippine Coast Guard patungong Iligan City upang magdala ng supplies sa mga residenteng apektado ng nagaganap na tensiyon sa Marawi City dulot ng pananakop ng Maute group.

Karga ng BRP Batangas ang 10,000 food packs at non-food items na galing sa Department of Social Welfare and Development.

Bukod sa BRP Batangas, magdadala rin ng ayuda sa Mindanao ang isa pang hospital ship na BRP Pampanga, na may helipad at fast craft boat launcher.


Ang BRP Pampanga ay galing sa Indonesia kung saan sumali sa isang maritime pollution exercise na dinaluhan ng mga kasapi ng ASEAN na inobserbahan ng US Coast Guard.

Lulan ng dalawang hospital ships anmg mga medical personnel ng PCG na tutulong sa mga nangangailangan ng atensyiong medica..

Una rito ay nagtungo na sa Mindanao ang mga barkong BRP Tubbataha at BRP Malabrigo na magsasagawa ng pagpapatrol sa karagatan o seaborn patrol.

DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments