Hospitalization, nananatiling mataas kahit bumababa ang kaso sa NCR – OCTA

Sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 cases sa Metro Manila, marami pa ring tao ang nangangailangan ng hospital care.

Ito ang sinabi ng OCTA Research Group sa harap ng mataas na bilang ng bagong COVID infections.

Ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay bumaba sa 0.93 nitong April 18 hanggang 24.


Nagkakaroon ng downward trend sa bilang ng bagong kaso kada araw sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nananatiling puno ang mga ospital at inaasahang tatagal ito hanggang sa mga susunod na linggo.

Nasa 10% mula sa average na 3,000 daily new cases sa rehiyon ay nangangailangan ng hospitalization.

Ang hospital bed occupancy sa NCR ay bumaba sa 61%, habang Intensive Care Unit (ICU) bed occupancy ay bumaba sa 71%.

Bukod dito, hindi rin sapat ang healthcare workers sa NCR.

Facebook Comments