Inaasahang luluwag ang hospitalization sa National Capital Region (NCR) pagsapit ng Hunyo.
Kaya rekomendasyon ng OCTA Research Group ay palawigin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Ayon sa Microbiologist-prist Nicanor Austriaco, suportado ng OCTA ang panawagan ng Department of Health (DOH) at medical community na i-extend ang MECQ sa NCR plus bubble para mapababa ang reproduction number.
Iginiit ni Austriaco na “unstable” pa rin ang daily recorded cases sa NCR plus.
Kapag nasa 0.9 ang reproduction number, nangangahulugan ito na hindi pa naaabot ng mga ospital ang pre-surge levels hanggang Hunyo.
Hinikayat ng OCTA Research ang pamahalaan na paigtingin ang contact tracing, testing at quarantine at isolation.
Facebook Comments