HOSTILE WITNESS | Sandiganbayan, pinaboran ang hiling ni dating Sen. Bong Revilla

Manila, Philippines – Pinaboran ng Sandiganbayan 1st Division ang hiling ng kampo ni dating Senador Bong Revilla na gawin “hostile witness” si Merlina Suñas, isa sa whistle blower sa pork barrel scam case.

Giit ni Revilla, nais nilang maging hostile witness si Suñas dahil siya ay nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) at tumetestigo para sa prosekusyon.

Si Suñas ay dating staff ni Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles.


Sa pagdinig, iginiit ni Suñas na hindi niya personal na kilala si Revilla.

Hindi rin aniya niya nakitang tumanggap ng pera si Revilla mula kay Napoles o kahit sa sinumang dating tauhan nito gaya ni Benhur Luy.

Paglilinaw pa ni Suñas na hindi siya kailanman nakapag-abot ng pera kay Revilla at wala ring anumang transaksyon, sa halip ay nagkita lamang silang dalawa sa burol ng yumaong nanay ni Napoles.

Facebook Comments