Magsasagawa ng bidding ang mga Southeast Asian countries sa hosting ng FIFA World Cup sa 2034.
Ayon kay Thai Prime Minister Prayut Chan-o-Cha, ito ang napagkasunduan nila sa katatapos na ASEAN leaders meeting sa Bangkok, Thailand.
Gaganapin ang Football World Cup sa Qatar sa 2022 habang dedesiyunan pa kung sino ang magho-host sa mga bansa sa Asian region.
Matatandaang huling nag-host ang Asya sa International Soccer event na ito sa Japan at sa South Korea noong 2002.
Inaasahang maglalaban-laban ang mga bansang Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, Vietnam at Brunei para makuha ang hosting ng FIFA.
Facebook Comments