Monday, March 30, 2026

Hosting ng AIPA meetings, gagawing simple para makatipid ang Pilipinas

Inihayag ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na gagawing simple at lilimitahan ang in-person activities sa hosting ng Pilipinas sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) meetings ngayong taon.

Ayon kay Dy, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing simple ang mga official engagements kaugnay ng ASEAN Summit.

Bahagi ito ng pagtugon sa tumitinding economic pressures dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Dagdag pa niya, ililipat sa virtual platforms ang mga preparatory meetings upang mabawasan ang gastos sa General Assembly sa Oktubre at Interface Meeting sa Nobyembre.

Tiniyak ni Dy na gagampanan ng bansa ang tungkulin bilang host, ngunit kailangan ding isaalang-alang ang epekto ng krisis sa Middle East, partikular ang pagtaas ng presyo ng langis at gastusin sa logistics.

Facebook Comments