Bumisita sa Barangay Guelew ang Meals on Wheels Truck ng Pamahalaang Panlungsod ng San Carlos City bilang bahagi ng Community Feeding Program na naglalayong maghatid ng masustansyang pagkain sa mga residenteng higit na nangangailangan.
Isinagawa ang programa katuwang ang iba’t-ibang sangay ng lokal na pamahalaan, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa malnutrisyon.
Layunin ng Community Feeding Program na magbigay ng dagdag nutrisyon at angkop na suporta sa mga indibidwal, lalo na sa mga kabilang sa vulnerable sectors, upang matiyak ang sapat at balanseng pagkain sa antas ng barangay.
Bukod sa pamamahagi ng pagkain, nagsilbi rin ang aktibidad bilang plataporma sa pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan, bilang patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng mga residente.









