Sa gitna ng mga nagdaang unos dahil sa iniwan ng Bagyong Uwan, mabilis na kumilos ang puso ng komunidad para makabangon.
Sa bayan ng Lingayen, dalawang non-government organizations ang agad na tumugon sa pangangailangan ng mga residente laban sa kagutuman.
Matagumpay na nabigyan ng mainit na arrozcaldo ang 120 indibidwal sa Sitio Aplaya, Pangapisan North, na pinakalubog matinding storm surge.
Ang bawat mangkok ng mainit na pagkain ay nagsilbing agarang init sa tiyan at nagpaalala na hindi nag-iisa ang mga biktima.
Ipinahayag ng mga nag-organisa, na ito ay panimula pa lamang, at inihahanda na nila ang pamamahagi sa iba pang parte ng bayan, kasabay ng panawagan para sa mga nais pang magpahatid ng tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









