Hot pursuit operation, isinagawa ng kapulisan sa Cagayan de Oro laban sa prisong tumakas

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan sa Cagayan de Oro nang makatakas ang isang priso sa Puerto Police Station.
Ayon kay Puerto Police Station Chief of Police Ian Borinaga ang suspek ay si Danny Tolomia, 39 anyos na taga Purok 7, Barangay Puerto dito sa syudad na may kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Napag-alaman na nakatakas ang priso nang magkunwaring gagamit ng CR pero hindi na lumabas makaraan ang ilang minuto.
Sa ngayon patuloy parin ang paghahanap ng kapulisan sa suspek na si Tolomia.

Facebook Comments