Hot pursuit operation laban sa mga hinihinalang miyembro ng NPA na nanambang sa 2 pulis sa Samar, nagpapatuloy

Manila, Philippines – Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang hot pursuit operation ng PNP laban sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army matapos pasabugan ng landmine at pagbabarilin ang isang mobile ng PNP sakay ang dalawang pulis sa Barangay Jian-an, Jaibong, Samar kaninang tanghali.

Ayon kay police chief inspector Bella Rentuaya, nasa maayos na kondisyon ang dalawang pulis na nakatalaga sa Catarman, Samar matapos magtamo ng minor injuries.

Sa katunayan aniya, bibigyan ng parangal ngayong araw ang dalawang sugatang pulis sa ospital kung saan sila naka-confine pero sa ngayon inaalam pa ni Rentuaya ang pangalan ng dalawang PNP personnel.


Matatandaang kaninang pasado alas 12 ng tanghali ng tambangan at pasabugan ng landmine ang sasakyan ng dalawang pulis sa Jiabong, Samar dahilan ng pagkasugat ng mga ito.

Facebook Comments