Hot pursuit operations, ipinag-utos ng PNP sa paghuli sa mga nasa likod ng pamamaril sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

Mayroon nang persons of interest ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kaninang alas-6:00 ng umaga.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., tinutugis na ngayon ng mga pulis ang mga nasa likod ng pamamaril na ikinasawi ng dalawang indibidwal at ikinasugat ng apat na iba.

Mahigpit aniya ang kanyang bilin na magsagawa ng hot pursuit operations ang mga pulis sa lugar para maresolba ang krimen.


Samantala, sinabi ni Acorda na magpapadala ng dagdag-pwersa ang PNP sa Maguindanao del Norte.

Kukuhanin ang pwersa sa reserve force ng PNP.

Sisikapin umano nilang ‘wag magkagulo at ipatutupad ang kaayusan sa lugar.

Facebook Comments