Hotdog, ligtas kainin at hindi apektado ng ASF – PAMPI

Tiniyak ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na ligtas kainin ang mga processed meat products tulad ng hotdog na gawa sa Pilipinas.

Ito ay kasunod ng pagbabawal na makapasok sa bansa ang mga processed meat na galing sa mga bansang apektado ng African swine fever (ASF).

Ayon sa PAMPI, ang locally processed meat products tulad ng canned meat at hotdog ay hindi naglalaman ng mga sangkap mula sa mga bansang apektado ng ASF.


Ayon sa World Organization for Animal Health (OIE), ang ASF ay “severe viral disease affecting domestic and wild pigs.”

Una rito, ipinagbawal ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pag-angkat at pagpasok ng mga karne at processed meat mula sa Belgium, Bulgaria, Cambodia, Czech Republic, Moldova, Mongolia, South Africa, Vietnam at Zambia.

Nadagdag din sa listahan ang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.

Facebook Comments