Hotel Cook, Natagpuang Patay sa Loob ng Boarding House

184

Cauayan City, Isabela- Hinihinalang inatake sa puso ang dahilan ng pagkamatay ng isang hotel cook matapos matagpuan na wala nang buhay sa loob ng kanyang tinutuluyang kwarto bandang 9:30 ng umaga kahapon sa Brgy. Centro 10, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Nelson Acorda, 46-anyos, may-asawa at pawang residente ng Brgy. San Antonio, Santa Maria, Isabela.


Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na natagpuan ng katrabaho ng biktima na si Harold Pagulayan ang wala nang buhay na katawan ni Acord ana agad namang humingi ng tulong sa iba pa nilang mga katrabaho.

Ayon sa report, may sakit sa puso ang biktima na sumasailalim sa gamutan.

Sa hiwalay na pagsisiyasat ng Rescue 1111 Tuguegarao, ang biktima ay nakaranas ng rigor mortis o pansamantalang kawalang-kilos ng mga joints at muscular rigidity na nagaganap pagkatapos ng kamatayan.

Agad naman na dinala sa pinakamalapait na punerarya ang bangkay ni Acorda.

Wala namang indikasyon na may sugat sa katawan ang biktima kung kaya’t walang nakikitang foul play sa insidente.




Facebook Comments