Hotel kung saan namatay ang isang flight attendant, posibleng kasuhan ng Makati City Police

Hotel kung saan namatay ang isang flight attendant, posibleng kasuhan ng Makati City Police

Ayon kay Makati Chief of Police Colonel Harold Depositar, may pananagutan ang nasabing hotel dahil sa paglabag nito sa General Community Quarantine (GCQ).

Hindi aniya kasi dapat pinapayagan ng hotel ang pagdaraos ng party sa dalawang unit nito kung saan nagkaroon ng inuman ang magkakaibigan at natagpuan na wala nang buhay ang biktimang si Christine Angelica Dacera.


Sinilip na rin nila ang kabuuang kuha ng CCTV camera kung saan binubuhat ng magkakaibigan ang katawan ng biktima at inilipat sa kabilang unit kung saan nandoon ang iba pang kaibigan nito.

Iginiit pa ni Depositar na bagama’t lumalabas sa autopsy report na aneurysm ang ikinamatay ng biktima ay nakitaan naman ito ng laceration sa maselang bahagi ng katawan at may mga pasa sa hita at ibang parte ng katawan nito kaya kinasuhan ng rape with homicide ang 11 suspek.

Tatlo sa mga suspek ang naaresto na.

Facebook Comments